|
idedescribe ko ang feeling. nakakakaba na nakakainis na nakakagigil na nakakainspire. yan. yan nga ang feeling. kung palabuan lang din naman ang labanan, tyak wala tayong magiging problema kase mahusay tayo sa pagiging malabo. magaling tayo dyan. nasabi ko na ba sayo na nalalaman ko na kung kelan ka hihirit ng mga corny mong punchlines? at alam mo bang naprepredict ko na din kung kelan ka bibitaw ng mga pamatay mong kakornihan? kabisado na kita. pero siempre ndi ko sinasabi syo yun kase nga naman, para saan pa ang mga kamay mo kung di rin lang mananapak/mananampal/mangangalmot/mangungurot pag naiinis or nabwubwuset ka. tinitiis ko na matawa kahit super dooper marlon ang pagkakorni mo. at eto pa. kung kumain ka eh sobrang bagal. kulang na lang eh himay-himayin mo ang kanin at ulam at gawin silang -> food shake. lahat ng ndi mo maubos na pagkain, pinapakain mo skin. at ndi lang yan, twing magjojoke ako eh nagagalit ka. gusto mo ata eh lagi na lang ang mga korni mong jokes ang maging bida. naprapraning ka kapag umuulan. pag maaraw at mainit naman eh nagpuputok ang butse mo. ayaw mo ng usok pero trip na trip mong sumakay sa harapan ng jeep sa may tabi ng driver kase tingin mo eh cool yon. twing magkasama tayo eh pinipilit mong i-LSS ko ang mga kantang kinakanta mo. at madaming madaming madami pang iba. mabilaukan ka sana habang iniisip kita ngayun at ginagawa ko ang entry na ito.
|